Monday, March 05, 2007

I have a few more months to go pero here I am, getting all excited about that once-in-a-lifetime chance of visiting Korea. Hay, kailangan ko nang malakad ang passport ko. Shocks, I've been hearing horrifying stories among people who line up at the DFA just to get their passports. Ay naku, 'wag naman sana ako masyadong mahirapan. Tsk. Tsk. Tsk.

Feels like everyone's happy for me. Alam nila kasi na matagal ko nang gustong magpunta ng Korea. Matutupad na, wala lang sanang magpasaway, naketch!

Anyways, iba-iba ang reaksyon ng mga tao kapag nalalaman nilang aalis ako. 'Yung iba ang feeling hindi na ako babalik. May iba naman may prediction na agad. Magkakaroon na raw ako ng Korean fafa pagpunta ko run. Nyahaha!!! Kung kamukha ni Jo In-Sung...Aba, bakit hindi?!!! Haha!

Hay naku, Come what may...Ayokong mag-isip ng ganyan. I don't want to expect kumbaga. Basta, kung mangyayari, mangyayari. Sa ngayon, standby lang ako. Work, work, work muna!!!!

Ay nga pala, I saw him kanina. Yes, him...as in, HIM :-)

He greeted me nung magkasalubong kami sa may TOC. Magalang pa rin naman, medyo hindi na gaanong dinig 'yung, "po" sa "hi, po" niya, ni fairness. Nililimit niya ata sadya. Hihi. Nag-assume na naman daw va ako? Hihi!!!!Naka-smile siya kanina. Aba, eh ako syempre smile din ever! Haha.

Honestly, hindi ko na siya gaano naiisip lately. Siguro dahil puro medical check-up nina Mommy at Daddy ang inasikaso ko these past couple of weeks. Tapos ito nga, dumagdag din ang Korean trip kaya talagang practically, no time to think about romance. Romance daw oh?! Hihi!!!

I still like him. Masaya ako pag naryan siya. Pero minsan naiisip ko, sana makakita na ako ng ibang gugustuhin para naman mag-move on na ako. Wala, nasasayang lang kasi ang time ko sa ganito. Tumatanda ako na puro pa-tweetums. Gusto kong magkaroon ng kulay ang lovelife ko. 'Yun na lang ang kulang eh. Romantic love. Waaaah!!!

Sabagay, takot pala ako...Ay, wag na nga lang! Ayoko pala. Ang gulo talaga ng utak ko! Nyahaha!!!!

No comments: