MINSAN PA
Kay tagal ko nang pangarap
at laging nang dasal,
Pag-ibig na sadyang wagas.
Ngunit waring kay ilap ng palad kong ito
at ako'y patuloy na bigo.
O pusong kay sakit...ala-alang kay pait.
At kung muling balikan ang lahat ng nagdaan,
tila wala pang minahal at walang natagpuan.
Nais ko sanang mag-isa't huwag nang umibig pa.
Kung yan man ay totoo at manatili sa mundo,
na walang buhay, walang kulay, walang nagmamahal.
Ngunit kung ako'y maghihintay umasa pa't
umibig pang muli...
Minsan pa.
Minsan pa akong nangarap
at sana'y maganap.
Sa iyo'y ibibigay lahat.
Narito ngayo't kailanman.
Ikaw ang langit ko,
tanging ningning ng buhay ko.
Halina sa piling ko,
alisin ang takot ko.
At sa muli'y malasap ang pag-ibig na ganap.
At ang pangarap na mundo ay matupad sa piling mo.
Ayaw ko na muling mabuhay nang nag-iisa.
Ikaw ang simula't wakas, ang ngayon at ang bukas
Ikaw ang pag-asa habang buhay..
Mahal pa rin kita.
At hanggang wakas,
pag-ibig ko'y sadyang wagas,
ngayon at kailanman...
Minsan pa.
------------------
Never seem to get tired of singing Faith Cuneta's version of a Zsa Zsa Padilla original, Minsan Pa. This has got to be one of the best Filipino songs I've heard so far. Love it, love it, love it!!!!!!
No comments:
Post a Comment