Saturday, January 13, 2007

Aruykupu! Naumpog ako kanina. Totoong umpog. Ang sakit. Putris! Tsk…tsk..tsk…Ang tanga ko talaga. Disgrasyadora. Ginagawa kasi ang banyo. May nakaharang na kahoy. Pang-support daw kaso hindi ko nakita. Ayun, dire-diretso akong naglakad. Ang noo ko ang nadali. Feeling ko tuloy na-knockout ako ni Pacquiao. Nahilo ako dun ah. Pagka-hipo ko sa noo ko...Anak ng pating! May dugo! Nagdugo hindi dahil sa nasugatan. May pimple pa lang natamaan. Ngek!!!! Nahilo ata ako lalo nang makita ang dugo….Oh God…

No comments: