Ito na siguro ang pinakamasayang Pasko para sa akin. Actually, every year masaya ako basta lang buo ang pamilya at walang may sakit. Mas memorable lang ngayon kasi kahit paano malaki na ang improvement ng bahay. Yup, sa wakas, pinapaayos na ang bahay, hindi nga lang ganun kalaki ang budget kaya parating na-d-delay. I'm positive naman na magagawa kahit paunti-unti.
Medyo inaantok ako ngayon. Ang aga ko kasi nagising para magsimba. Ay pero wala akong angal. It's Christ's birth. I think it's only but reasonable to pay him a visit on his special day. Feeling ko nga, everyday birthday niya kasi he always showers me with blessings. Sobrang thankful ako...
Malapit na nga palang matapos ang taon. Syempre ang prayers ko pang New Year na rin abot. Sana humaba pa buhay nina mommy at daddy. I can't imagine life without them. Basta, ayoko muna isipin. Alam ko matagal ko pa silang makakasama. Ang dami ko pang pangarap for them eh. Gusto ko maipasyal sila sa ibang bansa. Syempre kung aabutin pa nila, gusto ko makita nila ang magiging mga anak ko. Ahehe...Anak na agad, wala pa ngang bf. Hihi...
Ay naalala ko tuloy ang aking lovelife na non-existent. Ayoko na muna isipin. Darating din ang pag-ibig sa tamang panahon. 'Wag pilitin.
Lastly, may wish din ako para sa brother kong si Allan: Sana magkaroon na siya ng gf. Ang torpe kasi. Hay gulay, kung pwede nga lang ako ang manligaw para sa kanya, ginawa ko na. Kaso dehins pwede...Kung sino man ang mapapangasawa niya, napaka-swerte kasi masinop ang kapatid ko sa pera at talaga namang isang tunay na gentleman. Ako na nga lang, kung alagaan niya, sobra-sobra eh. Bait talaga ng kapatid ko, minsan tinotopak nga lang. Hehe...sino bang tao ang hindi tinotopak? Ako madalas. Hihi....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment